info@nebulonghi.it
Via Alessandro Litta Modignani, 97 Milano
Corso di Porta Nuova, 38 Milano

Mula sa ibang bansa papuntang Italy

Tumawag sa amin sa +39 02 66 222 895, magiging handa kaming sagutin ang inyong tawag dalawampu’t apat na oras isang araw, pitong araw isang linggo. Maraming iba’t ibang kalagayan kung saan maaaring ma-repatriate ang yumao, at nangangailangan ang bawat isa ng magkakaibang pamamaraan. Ipinapayo naming tawagan ninyo kami upang matulungan kayo ng aming mga tauhang ayusin ang pagbabalik sa Italy at sa pag-aayos sa pagpapalibing.

Mula sa Italy papuntang ibang bansa


Ipinapayo naming tumawag sa amin sa 02 66 222 895, magiging handa kaming sagutin ang inyong tawag dalawampu’t apat na oras isang araw, pitong araw isang linggo. Bibistahin kayo ng isang miyembro ng aming mga tauhan upang ayusin ang papeles at mga pahintulot sa naaangkop na embahada, at sa munisipalidad kung saan nangyari ang pagkamatay.

 

Ang repatriation sa bansang pinagmulan ng yumao ay nangangailangan ng tulong ng mga konsulado at embahada. Kasama ang inyong pamilya, tutulungan namin kayong ayusin ang serbisyo sa pagpapalibing at ang kasunod na paglalakbay ng labi sa bansa kung saan dapat silang ilibing. Matutulungan din namin kayong makipag-ugnayan sa isang Punerarya sa bansang destinasyon para sa pagtanggap sa yumao.